Heto ang aking kadiliman - kung saan naninirahan ang aking mga di kasiguraduhan. Isang labirinto Mga pagdududa't haka-hakang hirap tayong patunayan bilang tao. na patuloy kong lalakbayin ang mga naninirahan ditong anino't multo. kasama Ako ay naliligaw at nag-iisa, pero hindi ko kailangan ng pagsalba. Hayaan mo akong mangapa, madapa sa paghanap ng katotohanan, ES hindi sigurado sa direksyong tinatahak pero panatag na nandirito ang puso ko sa tamang puwesto Kung nais mo akong samahan, sambahin natin itong tutuluyangkawalan kasama ang lahat ng mahiwaga. Sabay nating pagtaguan ang araw. Sabay tayong maligaw. Sa isa't-isa'y magsilbi tayong gabay. Narito ang aking kamay. Heto ang aking mga katanungan ang aking mga sino, paano, bakit, at saan Kuwestyunin ang mga bagay paulit-ulit Ilabas ang boses, ang mga salitang pinagbabaka-sakali na lamang sa hangin. Ipakita sa akin ang hinahanap kong higit pa rito. Hindi Patunayan na iisa lang ang hinahanap kong sagot at totoo. Huwag n'yo akong handugan ng iba't-ibang kahulugan. ko kailangan ng magbibigay-dahilan. Di ko kailangan ng pangungunsinti. Ang gusto ko, ito ay aking maranasan. Pahupain, palipasin itong nararamdaman ng puso kong naghahanap ng kapanatagan. Ako ang karagatan. Hindi ako madaling maintindihan. Sisirin ang aking lalim, maki sabay sa alon ng aking mga paniniwala. Ako ang karimlan. Hindi ako makakabisa. Maaaring iba tayo ng katotohanang nakikita at ang kailangan ko ay ang makauunawa, mananampalataya sa aking mga salita. Ako ang mga tala. Magsisilbing gabay sa kanilang nananatili sa dilim. Silang mga hindi pa tanggap ang mga nakapalibot na lagim. Aasa't mananalig na balang-araw Mamangha sa kariktan ng aking kabuuan. Galugarin ang bawat sulok ng kalakhan ng aking kaluluwa. matututunan nilang yakapin ang kanilang mga lihim. Ako ang kalawakan. Saksihan at kilalanin ang lawak ng aking pagkatao, Heto ang aking sarili - naliligaw, nalilito, minsan ay nabubulag sa sarili kong mundo. At ang katotohanang hinahanap ko ay di ko man mahawakan, mananatili ako dito hanggang sa ito ay aking maunawaan. Hanggang sa dumating ang hinihintay na kapanatagan. Hanggang sa matutunan ang kinasasabikang karunungan. Hanggang sa maatim ng kaluluwa ko ang inaasam na kabuuan.