Ika-13 ng Marso, 2022 Para kay Bonnie na aking sinta, Isang taon ang lumipas, mula nang mawalay, biglang naalala, masayang ala-ala, hindi maalis sa balintataw, pinaka masayang sandali sa aking buhay. Mantsa sa puso ang mahigpit mong yakap, Burda sa isip matamis mong halik, Laging dala, laging baon, saan man yumaon. Sa mahigit isang taon, hindi makalakad, hindi makapag patuloy, ni hindi hindi makausad. Tangay ng isipan ang haplos ng iyong palad, Isa kang sakit sa isipang hindi mawala, na ikaw mismo ang siyang lunas. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ko muling malunod sa ilalim ng iyong bisig. Hindi mabubura ng araw-araw na alak ang tamis ng ala-alang kasama ka. Pwede bang malasing ulit sa taas at lalim ng iyong pag ibig? Patawad Mahal, sa pagpaparanas ng mala-impyernong sakit. Hiling kong habang buhay mong maranasan ang langit. Kahit araw-araw na lumuhod, araw araw na magpakasakit. Walang kapalit ang idinulot kong sakit. Kung maaari lang bumalik, at muli kang piliin. You sent Bago maglambitin sa kwintas ng katapusan, nawa'y malaman mo na lubos ang aking pagsisisi. Mahal kita Bonnie. Sana'y matanaw ka muli. Kahit sa huling sandali. Paalam, Clyde